Nagbalat lang ako ng sibuyas...
Totoo nga ang mga nabasa ko sa
Yahoo. Maraming benefits ang maagang gumigising. Nakapag-exercise ako kasama
ang mga kaibigan ko at nakapag-almusal ako. Dadalawang activities yan pero ang
dami ko nang tawa at mga naisip sa loob ng dalawang oras na exercise at isang
oras na pagkain kasama na ang pagluluto. At nang mga panahong yan,
pinakanakapag-isip ako habang naghihiwa ng sibuyas.
Nahawa siguro ako sa nabasa kong blog
kagabi. Puro kasi sentimyento ng isang single ang topic nya. Halatang halata na
torpe sya at iyon ang hindi ko maintindihan, kesyo langit daw si babae at lupa
sya. Naisip ko, buti pa nga sya, dahil sa lalaki sya, may freedom syang ligawan
ang gusto nyang ligawan. Kilala ko kasi iyong blogger na 'yon at masasabi kong hindi naman sya 'yong tipong dapat na matorpe dahil marami syang pwedeng ipagmalaki.
Ako, ang tanda ko na pero umaasa
pa rin akong may fairy tale. [At gandang ganda pa rin ako sa Fairy Tail.
Naghihintay na’ko ng next episode.] Umaasa akong isang araw, may lalaking
dadating para sa’kin. Hindi ko alam kung nasalubong ko na sya, kung kilala ko
na ba sya o talagang wala pa sya. Pero kahit na wala pa sa climax ang fairy
tale na inaasahan ko, namamangha na’ko sa mga pwedeng mangyari. Pagkamangha nga
bang tawag dito o nag-iilusyon lang talaga ‘ko. Hobby kong manood ng wedding
videos ng celebrities at napapaisip na lang ako kung kailan kaya dadating ‘yong
panahon na magkakaroon ng once upon a time sa fairy tale ko. Siguro, nag-umpisa
na ang once upon a time at ang haba masyado ng narration tungkol sa kanya-kanya
naming buhay ni PC [Nakuha mo naman siguro kung sino si PC]. Minsan gusto ko
nang unahan ang narrator at makipagkilala na lang sa gusto kong PC. Buti na
lang, psychoanalytically, intact ang ego ko. Kasabay ng pagdevelop ng kung
anu-anong tablet galing sa simpleng textbook, nagkaroon na rin ng commercial
breaks ang fairy tale ko. Breaks kung kailan natutulad din ako kay bitter boy blogger.
Iyong pakiramdam na mukhang hindi rin umakma sakin ang pagkakataon. Hindi ko
maexplain o tinatamad lang akong mag-explain pero saktong sakto sa naiisip ko
ang ilang verses ng “Pangarap Lang Kita” ng Parokya ni Edgar. Iyon na iyon.
Wala nang kapupuntahan ang thought na’to kaya hindi ko na rin iisipin masyado.
Syempre ramdam na ramdam ko
namang sibuyas ang hinihiwa ko kasi naiiyak na’ko. Ang sabi ko pa sa sarili ko,
‘Ganon na ba ‘ko kaloveless? Walang epekto sa’kin ang The Notebook o kaya A
Walk to Remember pero naiiyak ako sa sibuyas?’
At dahil sa iyakan na ‘yan,
naalala ko naman iyong opening ceremony ng London Olympics 2012. Ewan ko ba,
hindi naman ako British pero naiyak ako habang pinapanood kung paano umunlad
ang bansa nila. Kahit hindi ko paborito ang History, kahit papano, effective
para sakin iyong pagkakaportray nila ng history nila. Hindi rin naman ako
athlete pero teary-eyed ako habang pinapanood ang pinakamagagaling na athletes
sa mundo habang dala nila ang mga bandila ng kani-kanilang bansa. Wala ako sa stadium pero
nararamdaman ko ang excitement para sa kanila. Iyong tipong lahat ng
pinakamagagaling at pinaka-athletic e kasama mo sa iisang lugar. Iyong tipong
kapag binomba ng mga terorista iyong stadium, libo-libong “healthy-living”
people ang mawawala sa mundo. Oo, big deal sakin iyon kasi inspirasyon para
sakin iyong disiplina nila. Iyong nakokontrol nila ang pag-eexercise nila at pagkain nila kahit na pwede naman silang magpakatamad at magpakabusog sa kung anu-anong delectables. Ayan na naman, naalala ko na naman na malaking 'oomph' ang mga may ganitong disiplina. Pero iba ang disiplinado sa vain. Konektado sila, oo. May mga taong naghihirap na ihulma ang muscles nila dahil gusto nilang magmukhang brusko. Dahil dito, dinidisiplina nila ang mga sarili nila na magwork-out. Maganda iyon pero kung wala ka nang inatupag kundi ang ihulma ang muscles mo, sana muscle na lang din ang utak mo friend.
Balik naman sa Olympics. Natuwa rin ako na involved ang maraming bata sa
ceremony. Medyo naiinggit pa ‘ko sa kanila kasi balang araw, may aalalahanin
silang naging parte sila ng isang worldwide event kahit na siguro, wala pa
silang muwang sa mga nangyayari. Nagkaroon tuloy ako ng biglaang goal na balang
araw, makanood ng opening ceremony ng Olympics. Ibang iba talaga siguro kapag
nandoon ka na. Oo, napanood ko ang coverage pero iba pa rin iyong malalanghap
mo ang hanging nilalanghap din ng pinakamagagaling na atleta ng mundo. Iba pa
rin na maaamoy mo ang usok mula sa fireworks at ang kung anumang scent na ikalat sa stadium. Ang ganitong rationale, sa palagay ko, ang nagjjustify kung
bakit may mga concert, kung bakit mas okay na nagkikita kayo kahit na magkachat
naman kayo sa FB o di kaya ay magka-Skype. Kumbaga, hindi mo masasabing experience ang
isang experience hangga’t hindi ‘to naeexperience ng five senses mo.
Ang random na ng line of thought
ko at iyon ang ikinaganda ng pag-iisip. Kung saan-saan ka makakarating kahit na ang katawan mo e nasa realidad. At para sa iba pang pinuntahan ng isip ko habang naghihiwa ng sibuyas, “The
rest is history.”
Comments
Post a Comment