Gey Havey
Kagagaling ko lang sa mall kasama ang kapatid ko. Haay,
mahirap talaga kapag sale. Nabubutas ang bulsa ko pero masaya naman. Anyway,
noong pauwi, ang haba ng pila sa sakayan ng jeep. Pero okay lang, wala na sa
isip ko iyon kasi aliw na aliw naman ang utak ko kaiisip ng mga nabili namin.
Habang nasa pila, may nakasabay kaming dalawang lalaking pusong babae. Aliw na
aliw ako sa kanila na pagdating na pagdating pa lang namin e pinauna ko na
sila. Itago natin sila sa mga pangalang B1 at B2. Si B1, moreno, medyo kulot,
chinito, katamtaman ang pangangatawan, at siguro nasa mga 5’4” ang height. Si
B2, mas maputi nang kaunti kay B1, katamtaman ang laki ng mata, may bigote, mas
mababa ng mga 1” kay B1. Basta, mas mukhang lalaki o hindi mo aakalaing bading
si B2 kung hindi sya magsasalita. Napansin ko ring parehong fit na polo shirt
at skinny jeans na panlalaki at flip flops ang suot nila. Hindi naman sa
chismosa ako pero hindi ko rin maiwasang marinig na may tinitext si B1 at
kabado si B2 para sa magiging reply ni textmate. Oo, hindi ako chismosa kasi
ang lakas nilang mag-usap at hindi mo rin mapipigilang mapakinggan ang mga
sinasabi nila.
Mukha silang mag-bff
at “bakla” ang tawagan nila. Tuwang tuwa ako sa kanila kasi daig pa nila ang
mga babaeng magbestfriends. O di kaya, para silang mga babaeng magbestfriends.
Ganun din, iyong tipikal na nagpapaluan kapag may jokes sila sabay halakhak.
May mga segundo ring may holding hands pero malalaman mong walang malisya,
iyong tipo ng holding hands ng magbestfriends, kumbaga hindi ung nagccross ang
fingers na sabi nga nila e “to fill the spaces in between [the fingers]”. At
take note, segundo lang, hindi tulad ng holding hands ng mga mag-on na mukhang wala
nang katapusan kahit na namamawis na ang mga kamay nila.
Ito, may excerpt ako ng usapan nila.
B2: Haynako, kapag ako nag-asawa, gusto ko may kotse.
B1: Edi ikaw na ang magkakakotse.
B2: Oo, kaya nga nag-aaral na’ko magdrive.
B1: Good luck na lang sa’yo. Ikaw na ang magkakafortuner at
syempre, ng fortune.
Tapos tumawa sila.
B2: Fortune lights. (Tawa ulit, ay hindi pala. Humalakhak
sila pareho at napangiti rin naman ako.)
Kaso
parang ayaw ko ng Fortuner, magagasgas ko lang. (Tawa ulit.)
B1: E di mag-Tamiya ka na lang. (Tapos humalakhak na naman
sila.)
Sa dami ng pinag-usapan nila at ng mga narinig ko, iyan ang
pinakanatandaan ko. Tuwang tuwa talaga ako sa kanila. Generally, tuwang tuwa
ako sa mga bading na jolly at wholesome sa pandinig. Wholesome, iyong tipong
hindi lang puro malulutong na mura ang lumalabas sa bibig at mabenta ang jokes.
Masayang kasama ang mga ganong tipo.
Kaya naman naalala ko iyong isang grupo ng mga teenager sa KFC kanina. Iyong
barkada nila, apat na babae at apat na bading ang kasama. Mukhang ang saya-saya
rin nila nang makita ko sila at inobserbahan ko sila nang matagal. Mukhang
iyong mga bading ang nagdadala ng mga usapan nila. Well, going back sa
generally gusto ko ang mga bading. Gusto ko silang kasama kasi based na rin sa
experiences ko, laging pakiramdam ko may stretch marks na ko sa pisngi kapag
kasama ko sila. Tawa lang nang tawa ang nangyayari.
Pero, aminado ako na hangga’t maaari, ayaw ko sanang
makarinig o makakita ng mga gay couples. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Siguro ang masasabi ko lang na rason e parang hindi kasi tama. Oo, alam kong
invalid ang rason ko. At alam ko ring ang close-minded ng logic ko kung ganon.
Kanina sa jeep, iniisip ko, pano kung naging bading ako. Malamang na hindi ko
ipipilit na magkagusto sa babae at ipipilit kong ibigay rin sa’kin ang
karapatan ko at isa na nga doon e ang magkaroon ng lovelife – lovelife na
involved ang taong gusto ko. Base na rin sa mga nabasa ko kung saan-saan, hindi
naman nila kasalanan na bading sila. Naniniwala akong nasa timpla iyan ng
hormones natin at nagkataon lang na sila ang naging bading. Naniniwala rin
akong may mga bading na hindi ginustong maging bading sila, nag-iisip na pano kaya
kung naging straight sila at ang tanging hiling lang e ang tanggapin sila ng
lipunan.
Sa ngayon, masasabi kong mas naging open-minded na’ko sa mga
bading. Siguro dahil sa dami na ng exposure ko sa kanila at sa iba-ibang
version ng mga bading na nakasalamuha ko. Siguro dahil ngayon ko lang din naisip na ilagay ang
sarili ko sa sitwasyon nila.
Sa tamad kong magsulat e hindi ko malalagay at
macclarify ang mga puntong gusto kong linawin tungkol sa kanila. Mababaon na
lang siguro sa utak ko ang mga naiisip ko. Pero, sigurado ako sa paniniwalang
dapat pantay-pantay lang ang trato sa mga lalaki, babae, bading, at tibo. Hindi
sa sinasabi kong itratong parang babae ang mga bading at parang lalaki ang mga
tibo. Hindi sa sinasabi kong pwedeng makipagsabayan ang mga bading sa mga babae
sa Miss Universe. Lilinawin ko lang, para sakin, pambabae ang pageant na iyon
at kung gusto ng pageant ng mga bading, e bumuo sila ng ganon na puro bading
ang kasali. Sa paraang iyon, mas defined na ‘Oo, may iba pang gender maliban sa
mga babae at lalaki. Kaya rin naming ipakita na may mga katangian din kaming
kaya naming ipagmalaki sa buong mundo sa pamamagitan ng tagisan sa pageant na’to.’
Ang akin lang e sana hindi madeprive ang
kahit sino ng karapatang pantao nila dahil ang mga karapatang pantao, ideally,
walang pinipiling kasarian.
Comments
Post a Comment