Para kay Mr. NJ
Tulad ng dati, papers night ko
ulit kagabi dahil wala akong nagawa buong araw noong isang araw. Buti na lang nakayanan kong maging gising magdamag dahil iyon din ang huling gabi ng isa sa mga kaibigan ko
sa Pilipinas bago lumuwas ang pamilya nila papuntang America. Okay na rin sa
akin na nagkaroon pa 'ko ng ilang oras para makakulitan or makaasaran siya.
Hindi buong batch namin ng high school e nagkaroon ng ganoong pagkakataon.
Hindi naman kami sobrang sobrang sobrang close pero apektado akong umalis siya.
Sa totoo lang, naiyak pa’ko noong mga huling oras na kausap ko sya. At least,
napatunayan kong hindi lang paghihiwa ng sibuyas ang makakapagpaiyak sa akin
(see Nagbalat lang ako ng sibuyas...) Masasabi kong hindi kami sobrang
sobrang sobrang close kasi hindi naman kami masyadong nagkakausap nang seryoso
kaya hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya tungkol sa mga
bagay-bagay pero masasabi kong close kami kasi mas madalas naman kaming hindi
nagkakasundo (o pabirong hindi nagkakasundo? Ewan ko rin). Iba pala ang feeling
na alam mong sa mga minutong iyon, anytime, pwede na syang umalis at at least one
year ulit bago mo sya makita at makasama sa hangouts ng barkada. Kahit na hindi
ko nakita iyong actual na pag-alis ng pamilya nila, F na F ko naman na
nawiwitness kong umaalis sila. Hindi ko alam kung paano ako naapektuhan o
naiyak – dahil siguro iniisip ko iyong pakiramdam ng aalis at iniisip ko rin
iyong pakiramdam noong mga taong close sa kanya na maiiwan. Anyway, ang
masayang parte na lang siguro e kahit hindi kami sobrang sobrang sobrang close,
kahit papano, nagkaroon ako ng oras na makausap or makumusta sya at sila bago
sila umalis. At kung kinakabahan man sya noon, sana kahit papano rin,
nakatulong na may kausap sya noong mga oras na iyon. Ano na lang kaya ang
nararamdaman ng mga super close nyang friends? Baka exaggerated lang ako
magreact o kaya baka nahihiya lang din iyong mga super close friends nya kasi
halos lalaki sila, hindi sila vocal. Kanya-kanyang coping. Kaya bilib ako kay
codename “Bertud” kasi nakuha nyang yakapin ang kaibigan namin na’to noong
huling gabing magkakasama kami kahit na lalaki rin sya. Hindi ko na rin iyon
nagawa dahil nawala sa isip ko or dahil medyo nahilo ako. Haha. Hayy. Buti na
lang at hi-tech na. Hindi na masyadong isyu ang distansya. Aasa na lang kami sa
internet para sa updates at para di ka namin masyado mamiss. :)
Comments
Post a Comment