Sir
Sir, noong unang beses pa lang na umapak ka sa room namin para sa subject na Behavioral Foundations in Health and Illness (Psychology part) noong 1st year, nakuha mo na ang atensyon ko – hindi dahil sa ikaw ang professor kundi dahil sa porma at sa tikas mo. Sir, noong unang beses na naglecture ka sa klase namin, bumilib na’ko sa’yo – hindi dahil sa porma at tikas mo kundi dahil sa katalinuhan mo. Sir, noong unang beses mong nagpaexam sa klase namin, lalo pa akong namangha sa’yo – hindi dahil madali ang exam mo kundi dahil napagbigyan mo ang ilan sa’min pati ako kahit na hindi kami sumunod sa instructions. At dahil bago pa lang ako noon sa Facebook, inadd agad kita at ikaw ang unang professor na naging FB friend ko. At dahil bago pa lang ako noon sa Facebook, naging malaking bagay na para sa’kin ang maging friend ka sa Facebook. Kayo po ang unang una kong hinangaang professor sa kolehiyo. Kayo po ang unang naging modelo para sa akin. Kayo po ang unang taong naging...