How I Met Tart Onwards: A Synopsis (Haha!)

May isa pa akong memory na alam kong kinilig ako noon, di ko
alam kung bakit. Baka dahil lang sa hormones. Acquaintance party natin noong third
year high school. May isang game na tinatawag nilang bone to bone. Hindi ko
alam kung bakit naging partners tayo, kung random lang ba or loveteam ba tayo
noon (pero parang hindi naman, baka random nga lang). Iyon lang ang naalala
kong slow dance natin together, or at least, unang slow dance together (wala
rin naman tayong ibang klase ng dance together, hahaha). Hindi ako sure pero happy
crush kita noon. Wala lang, ang saya lang kasi makipag-asaran sa’yo na parang
kulang ang araw ko kapag wala akong nakakaasaran or kapikunan. Parang kailangan
ko ng daily dose of Kevin Aniban (haha, okay tunaw nako sa mga sinasabi ko dito
pero I’ll go on hanggang matunaw ka rin sa kilig, haha joke).
At ang iba ko pang naalala ay halos may kinalaman sa sleepovers ng batch at kung ano-anong ka-immature-an noong high school. Masaya akong malaking parte ka ng high school life ko. Akala ko nga hanggang doon na lang lalo na noong alam mo na, noong isang sleepover sa San Andres sa may hagdan (haha) at noong sa Bulacan ka nagcollege. Waley na, tinanggap ko na lang na ganon. May mga bagay talagang hanggang kung kailan lang, limited edition, hanggang high school lang. May mga bagay na hindi mo na madadala sa totoong buhay na sa tingin ko noong panahong iyon ay ang college life (hindi na to totoo ngayon, haha).
College ako nagkaroon ng account sa Facebook. 2009. Buti na lang nagkaroon ng FB (thanks Zuckerberg!). Nagkaroon ullit ako ng koneksyon sa mga taong namimiss ko na o matagal na akong walang balita o kahit doon sa mga taong araw-araw ko naman kasama. Pero hindi ako mahilig gumamit ng FB noon kasi walang internet sa apartment at hindi naman ako mahilig magpost, hindi rin ako mahilig maglaro. Chat lang ang silbi sa akin ng FB at hindi naman ako madalas na may kachat. Wala akong balita sa iyo noong college. Siguro pabati-bati lang ng birthday sa FB. Pakumu-kumusta kung minsan, tapos sasabihin natin, okay lang, tapos tapos na. Ang dami nating dapat i-catch-up kaso alam natin pareho na kulang ang FB para masabi natin lahat, makwento lahat. Mahirap magjoke sa FB. Mahirap makipag-asaran sa FB kung sobrang tagal niyo nang hindi nagkita kasi baka marami nang nagbago. Baka hindi na iyong dating Aniban iyong kausap ko. Pero masaya ako kapag kahit papaano nagkakachat tayo. Busy ka. Busy ako. Pareho tayong late online. At least may koneksyon pa rin. (By the way, ako unang nagchat sa ating dalawa at iyon ay noong September 10, 2010 para balitaan kang wala na si Cy.)
FAST FORWARD...
Oops wait, may isa pa akong naalala. May video link ka
kasing sinend sa akin e. Hahahaha. I love you :* Ito yata iyon Tarty: http://www.youtube.com/watch?v=7dSQ-FpFy64
Okay na sigurong kabayaran ito sa paghahalungkat ko ng link na yan Tart. Ito bayad ko, hahahahaha. I love you.
Okay na sigurong kabayaran ito sa paghahalungkat ko ng link na yan Tart. Ito bayad ko, hahahahaha. I love you.
OKAY FAST FORWARD
Summer 2012 yata tayo nagkita ulit kasi nagkataong umuwi ang
pamilya niyo sa Romblon at sakto rin namang umuwi ako kaya iyon, nakita kita
ulit kaso hindi rin naman tayo nagkausap. Pinapakiramdaman pa kita kasi baka
iba ka na nga at alam ko ring kulang ang ilang oras kaya mas okay na sigurong
huwag ko munang simulang magpakwento. Okay na iyong may pictures at konting
ngiti ngiti, konting hi hello. Di ko alam kung anong nasa isip mo noon pero
malamang hindi ako kasama doon kasi tingin ko may ibang tumatakbo sa isip mo.
Di ko alam kung ano, wala naman akong idea sa kung anong mundo na ang
ginagalawan mo noong panahong iyon. Pagkatapos noon, wala ulit. FB siguro pero
hanggang ganon lang din ulit. Hi hello kumusta okay lang, the end.

Buti na lang, magkasunod kayo halos ng birthday ni Keith kaya naexcite ulit ako kasi feeling ko pupunta ka. Kaso medyo nadisappoint
na ako nung nagsabi kang baka hindi ka makapunta. Pero nakapunta ka pa rin.
Iyon nga lang medyo hindi maganda naging kapalit. Di ko alam kung paano ka
icocomfort noon pero gustong gusto kitang i-hug noon. Doon ko rin nafeel na
friends nga tayo kasi sa lahat ng taong pwede mong balitaan, sa akin mo shinare
iyon. Naalala mo pa ba to? Hahahaha o ako ang mali ng alala.
Simula noon, madalas na tayong lumabas kasama kuya mo at si
Ate Julie, halos tuwing Friday nagkikita tayo at di ko alam kung bakit sumasama
rin naman ako. Di ko alam kung bakit kahit kasagsagan ng katoxican ko noon sa
mga duty ko e nakakapagbigay ako ng oras na sumama. Dahil siguro gusto rin
kitang makasama or makakwentuhan kahit madalas na nahihiya ako noon kasi wala lang,
andun kuya mo at si Ate Julie. Di pa kami close, hahahahaha, chos. Pero habang
tumatagal, mas nagiging okay at mas magaan pakiramdam ko. Buti nga talaga
nagkikita pa rin tayo noon. Iyong unang quarter ng 2013 ang isa sa pinakatoxic
na parte ng college life ko kasi iyon iyong todo ospital na talaga kami, na
walong pasyente ang hawak ko sa isang shift, walong charts na sinusulat, walong
sets ng mga papel ang ginagawa pag-uwi. Halos hindi na ako natutulog. Minsan
hindi ko na natatapos mga papel ko sa bahay. Dinidiskartehan ko na lang pag
nasa duty na ako. Pero kahit ganon, may oras tayo. Ikaw ang detox ko. Kahit
halos hindi na ako matulog at kahit subsob ako sa papel, nahihintay mo ako.
Nakagawa ka ng schedule na gumising sa oras na tapos na ako o kaya hindi
matulog hangga’t di ako tapos, hindi mangulit sa phone hangga’t di ako tapos.
Sobrang naappreciate ko iyon, na nakapag-adjust ka sa katoxican, pareho tayong
nakapag-adjust sa katoxican.
Ganon lang tayo hanggang sa naging tayo. Alam naman natin
kung pano tayo naging tayo, haha. At mula noon marami nang mas masasaya pang nangyari.
May kadramahan tayo, oo, pero mas maraming nakakabaliw at nakakaloka sa saya. Nagkakasundo
tayo. Halos isang taon na Tarty at mas marami pang taon. Ang swerte ko sa iyo
kasi gets mo ako. Kahit na hindi naman ako iyong tipong super ganda, sexy,
puti, tangkad, talino, talented tulad ng iba, love mo ako. Kahit gaano ako ka-moody,
gets mo pa rin. Kahit sobra-sobra ako mag-isip, gets mo pa rin. Kabisado mo na
ako. Basa mo na ako. Tanggap mo ang pagka-alaskadora ko (kahit napipikon ka minsan) at alam mo kapag pikon
na rin ako (kasi mahilig ka rin mang-asar, MEANT TO BE! hahahaha). Kahit gaano na karami naging mali ko sa iyo, andyan ka pa rin Tarty.
Tanggap mo pa rin. Tayo pa rin. Naiintindihan mo pa rin ako. Hindi ko maiwasang
maiyak tuwing sinasabi mo sa akin na boyfriend kita, bff kita (or ako nagsabi
ng bff, haha), pwede ko sabihin sa iyo lahat, na maiintindihan mo, na kahit sa
unang beses masakit at seryoso, pagtatawanan na lang natin ito sa sunod. Lagi mo
akong tinuturuan na sabihin lahat ng gusto kong sabihin kasi masarap sa
pakiramdam at mas masarap sa pakiramdam kapag sinabi mo ang gusto mong sabihin
sa taong talagang gusto mong pagsabihan ng sasabihin mo.
Bilib ako sa iyo kasi nadadala mo ang relasyon natin, na una
pa lang, alam mo na kung paano ang magiging sistema natin. Una pa lang, alam mo
na constant communication lang ang kailangan natin, pati honesty, pati tiwala.
Ako kasi, nagbuff pa bago ko narealize na “Oo nga noh, effective iyong lagi
kaming may communication as in dapat araw-araw nagbabalitaan kami kahit gaano
ka-busy.” Sa totoo lang Tarty, parang nabreak mo ang pinaniniwalaan kong mas
mature ang babae emotionally ng tatlong taon unless lalaki rin pala ako, haha.
Siguro nagka-issues man ako sa iyo (at buti na lang nasabi ko na sa iyo sa
tulong mo rin) pero ganon pa rin Tarty, mahal pa rin kita, super love. Swerte
ako sa iyo kasi kahit may mga bagay na naitago ako sayo, tanggap mo pa rin. I
love you superrrrr x
5808081048290483057084129458098543067308420480123418301284~ May mga limitasyon man tayo pareho pero I believe na nagagawan naman natin ng paraan iyong mga
iyon. :***
I love you kasi naiintindihan mo ako. I love you kasi andyan
ka lang. I love you kasi love mo ako. I love you kasi napapasaya mo ako. I love
you kasi kahit na sayo ang maraming powers para saktan ako, iniiwasan mo akong
saktan. I love you kasi honest ka. I love you kasi may tiwala ka sa akin. I
love you kasi tanggap mo ako. I love you kasi kahit na likas kang mainipin,
natututo kang maghintay. I love you kasi ewan lahat lahat na. I love you kasi
kahit kinailangan mong magbago para sa atin (ayon sa sinabi mo), love mo pa rin
ako at sana worth it ang sinasabi mong pagbabago Tarty.
Alam ko na, i love you kasi pogi ka, hot ka, cutie ka, sweetie ka, benchbody ka, yummy ka, lahat na. Ikaw na Tarty.
Alam ko na, i love you kasi pogi ka, hot ka, cutie ka, sweetie ka, benchbody ka, yummy ka, lahat na. Ikaw na Tarty.
Natutuwa akong inaalala ang kulitan natin, mga random nating
pinag-uusapan, movie marathon natin, kain-kain natin, bloopers sa pagkain,
pakanta-kanta, paglabas-labas natin. Lahat nakakatuwa, kahit iyong madadrama,
nakakatuwang nangyari sila kasi hindi naman tayo magiging ganito ka-strong kung
naging madali lang lahat para sa atin. Masaya akong mapasaya ka rin Tarty kaya
sana masaya ka. Hahaha. Ano raw?
Well Tarty, ang haba na yata masyado nito. Umabot ka pa ba
rito? Hahahahaha. Kung hindi, hindi mo mababasa ang special thank you kasi oo
nga pala. Hindi ko man pinangarap or hindi ko man naisip ilagay kahit kailan sa
wishlist ko na malunod o kaya naman e iyong kailanganin ko pang masagip ng
kahit na sino, pero mukhang kinailangan. Basta ang summary, natangay lang ako
ng alon kaya tinulungan mo ako Tart. Wag na nating alalahanin ang kalampahan ko
na iyon. Hahahaha. Salamat talaga Tarty. Napaisip tuloy ako kung ano kayang
nangyari kung wala ka doon. Kung hindi mo namalayan. Hahahaha. Minumulto na
siguro kita ngayon, hahahaha. I love youuuuu :******
Hindi ko alam kung bat ako nagsulat nito Tart. Haha. Pero since naitype ko na, nabasa mo na (kung aabot ka dito, hahahaha, joke lang, tapos di ka nga talaga umabot noh? Haha), edi sige. Gusto ko ring mabasa mo ito e. Dapat March 11 mo na ito mabasa. Kung hindi, fail na naman ako. Hahahahahaha.
Comments
Post a Comment