Single tayo ulit

Hi Tart! Matagal ko nang gustong magsulat ng sulat na addressed sa’yo pero ewan ko ba kung bakit hindi matuloy-tuloy. Iniisip ko kasi kung sa card ko ilalagay, parang ang corny, though ginawa ko iyon sa unang monthsary natin, hindi ko lang naibigay kasi naisip kong parang ang corny nga kaya hindi ko na ibinigay. Tapos kung ibinigay ko naman ng ibang araw, parang ang irrelevant na. Hahaha. Basta. Anyway Tart, masaya akong eleven ulit ngayon. =)) tapos single na ba ulit tayo? Hahahaha. Jk. Pero seryoso, hindi ko man preferred na bumabati ng monthsary dahil gusto ko ng anniversary, wala namang mawawala kung babati ako. Happy 3rd monthsary. Haha. I wish us more days, months or even years together. :) Salamat sa lahat-lahat. Ewan ko ba kung bakit Tart pero ang chill chill pag kasama kita. Parang wala lang – in a good way. Masaya lang. Kapag magkasama tayo, feeling ko, I can act anyway  that I want. Kumbaga, akong ako. Komportable. Masaya ako Tart. Kahit sabog-sabog tayo pareho. Tanggap mo kahit siguro, mahirap akong intindihin or kahit slow ako? Hahahaha. Sana tanggap mo ring mahina ako sa directions. =)))) Mahirap na halos hindi magtugma sched natin at magkalayo mga tinitirhan natin pero sana consistent pa rin iyong paggawa natin ng paraan para magkasama tayo. Chos. Haha. Masaya rin ako everytime na may madidiskubre akong bago sa iyo tulad na lang ng “Ayaw mo Linggo?” o ng sobrang “pagkagusto” mo sa heights. Sana Tart, ikaw rin, masaya ka rin sa atin. Huwag mong isipin iyong mga pinagsasabi mo madalas na baka iwan kita or something, haha, kasi ‘di ko gagawin iyon. Ang kinatatakot ko e kung ikaw ang gumawa nun kasi baka may iba kang makita na mas convenient na maging kayo para sa iyo. Kung tutuusin naman kasi, marami naman dyang mas magaganda, MATATANGKAD, MAPUPUTI, hot, mabait, etc. (Pero ayoko nang magdiscuss ng insecurities ko Tart, siguro sa atin na lang kapag nagchikahan tayo, wag na dito, haha). Takot akong mapalitan ng mga iyan. Tapos syempre, sasabihin mo naman sa akin, “O bat ako rin, marami namang mas malapit sa iyo, mas ganito ganyan, etc…” So K. Pero seryoso, takot akong mangyari iyan. Ayokong mangyari iyan. Sana tamang panghawakan kong mahal mo ako. (Ew, parang nababaduyan ako sa sinasabi ko. Hahahahaha) Masaya ako sa atin Tart. At gusto kong tumagal pa tayo nang masaya tayo. Hee, ang corny ng entry na ‘to pero sige, keri lang. Haha. I love you Tart. Sobra. At miss na kita. Happy monthsary! More to come. :) Looking forward to spending more happy moments with you. I love you ulit. <3 :*

  

- From your ever pretty girlfriend who loves you so much, 
Mah. 

Comments

Popular posts from this blog

After exam feels

That 15 Minutes

Para kay Mr. NJ