Unang File ng Drive

Nasimulan ko nang magsulat ng mga pinagmumuni-munihan ko sa ilang pahina ng notebook ko noong high school at sa Microsoft Word ng laptop ko. Sinabi ko na doon ang mga bagay-bagay na gusto ko sanang ibahagi pero wala akong mapagsabihan. Kung tutuusin, ang sabi ko noon, hindi ko kailangan ng blog kasi hindi namang kailangang mabasa ng ibang tao ang mga sinusulat ko. Pero sa ngayon, ang sabi ko naman, wala namang mawawala kung i-post ko online ang mga gusto kong isulat. Wala namang kasiguraduhang may makakabasa at makakahanap ng blog na to. At kung may makakatsamba man at kung may mamalasing makakabasa nito, hindi naman niya ako kilala. Sana lang, sa mga maisusulat ko dito, may makaintindi at may matutunan din kahit pano ang makakatsambang basa nito.

Comments

Popular posts from this blog

After exam feels

That 15 Minutes

Para kay Mr. NJ