Posts

Showing posts from March, 2014

After exam feels

Image
Sa ilang taon kong naging estudyante, ang dami ko nang exams na pinagdaanan. Ang dami ko nang exams na pinerfect (haha weh? syempre joke lang to), ipinasa at ibinagsak. Wala akong pakialam sa kung ilan ba ang nagkaroon ng aling resulta. Ang punto ko ngayon e kahit ang dami ko nang sinagutan at iniwang blangkong exam, ganon pa rin ang pakiramdam. Ganon pa rin ang pakiramdam ng naghihintay ng resulta – laging walang kasiguraduhan. Simulan natin to sa panahon bago mag-exam. Paano ba ako maghanda para sa exam? Depende rin kasi sa kung anong exam. Depende sa kung gamay ko na ba iyong topic o iyong subject. Kumbaga, kung nahihirapan ako, mag-aaral ako nang todo. Kung nadadalian ako, magrereview na lang ako nang kaunti. Paano ko ba nasasabi kung mahirap? Unang una, kung kahit anong pilit ng intindi ko sa kanya, nalilito ako. Komplikado. Meron din namang komplikado na nga, sobrang haba pa. Pwede ring komplikado, mahaba at halos memorization. Paano ako mag-aral nang todo? Syempre, ...

How I Met Tart Onwards: A Synopsis (Haha!)

Image
Hi Tart! Meron ulit akong blog entry for you, March 2014 edition. Kung bubusisiin mo ang blog na to, may  entry ako para sa “The sweetest so far” pero ngayon, super na-break break break mo na ang record na iyon. Almost a year na tayong “tayo” pero alam natin na hindi lang sa almost one year na iyon tayo nagsimula. Simulan natin sa paulit-ulit nating binabalikang pangyayari noong first year high school tayo. Bagong estudyante ka ng Bracelli, fresh from Bulacan samantalang ako, sa Bracelli na ‘ko lumaki (kung lumaki man ako), tubong San Andres. Isa sa pinakainaabangan ko sa pagiging high school ay ang magkaroon ng maraming bagong kaklase at isa ka doon. Late ka pa nga ipinakilala sa batch natin e, ewan ko kung bakit pero ibang kwento na siguro iyon at baka ikaw na dapat ang magkwento noon. Anyway, pinakilala ka na ng butihin nating adviser na si Mrs. Faigao sa pagkakatanda ko (correct me kung mali, haha). At nagkataong sa dulo ka pinaupo kung saan din ang pwesto ko at naging ...